Litratong Pinoy : Pag-aaral

Parating sinsabi ng aking ama noon, “mag-aral ng mabuti.” Hindi ko yun agad naiintindihan bilang isang bata. Para sa akin, ang importante ay papasok sa eskwela para may baon ako. Nung ako ay nagkaisip na, dun ko napagtanto ang importansya ng pag-aaral. Ngunit hindi dun nagtatapos ang lahat, dahil ang importante ay mag-aral ng mabuti. Hindi ganun kadali ang mag-aral lalung-lalo na kung salat sa buhay ngunit sa pagpupursige ng aking mga magulang na mapagtapos ako, mas lalo akong nabigyan ng inspirasyon na makamit ang parangal ng gusto kong maibigay sa kanila. Itong larawan ang aking napili dahil ang pag-aaral ay gaya din ng pagsusulat. Ako ang may hawak ng aking panulat at ako ang may kontrol nito. Kaya kung saan man ako makarating ay dahil na rin sa aking pagpupursige katulong ang mga mahahalagang tao sa aking buhay.
Daddy always say “study hard”. As a child I didn’t easily understand it because I go to school that time so that I can have some snacks and a penny to buy what I want. Not until I reach a certain age and realized the importance of education in one’s life. It’s not only to study but to study hard…and harder. It’s not easy going to school especially if the resources are not enough or just fairly enough. But my parents worked hard to send me to school and finish a degree which really gave me the inspiration to study hard and aim for something that they will be proud of.
I chose the photo for this week’s theme because studying is like holding a pen. I am in full control of that writing medium to go on or give up. Hence, my success is based on how hard I worked for my studies with the help of my family.
Trackback
RSS Feed

6 Comments
1.
Thess commented on June 26, 2008 at 5:48 pm
OO nga…salamat sa kanilang sakripisyo! hehehe…kamay ko nga yan at ang aking kanang kamay ang may hawak ng kamera. :-)
2.
Surfergirl commented on June 26, 2008 at 6:04 pm
ako din, matanda na ko nang naintindihan ko kung bakit paulit ulit na litanya sa kin ng magulang ko ang mag aral ng mabuti!
3.
toni commented on June 26, 2008 at 11:40 pm
Napakagandang talinghaga.
4.
teys commented on June 27, 2008 at 1:48 am
ako yun! pumapasok pero di nag-aaral he he pumapasa naman kahit papaano (ngek)
happy lp sa iyo!
5.
ner commented on June 27, 2008 at 10:25 pm
galing naman ng kuha lalo na’t parehong kamay ang gamit mo
maligayang paglilitrato!
6.
julie commented on June 28, 2008 at 10:21 am
Tama ka, dapat nagpupursige kasi hindi lahat ng bagay-bagay madali.