LP: Pag-Iisang Dibdib

Ito ay ilan lamang sa mga simbolo ng pag-iisang dibdib. Ang aras na nagsisimbolo ng pinansyal na aspeto sa buhay mag-asawa na kung saan magkatuwang na itataguyod ng mag-asawa ang kanilang buhay sakaling di kayang pasanin ng lalake ang responsibilidad at huwag hayaang ito ang sanhi ng malaking di pagkakaunawaan. Sa puntong ito, ang pag-aari ng isa ay pag-aari ng mag-asawa. Ang kord na sumisimbolo ng “tali” na nagbubuklod sa mag-asawa. Sa buhay mag-asawa ito ay dapat mapanatiling di masyadong maluwag at di naman masikip na nakakasakal na sa isa’t-isa. Para sa akin, ito ang magpapanatili para sa iisang direksyon na tatahakin ng mag-asawa sa kanilang buhay.
These are few of the symbols in marriage. The coins symbolizes the financial aspect of married life wherein both should help each other in addressing the financial needs of the family if the husband cannot bear the responsibility alone. It should not be the reason of a big dispute between couple. In marriage, one’s property is also the property of the other. There’s no MINE alone in marriage. The cord symbolizes the the tie that binds the couple. It should not be too loose nor too tight. It also symbolizes one direction of the couple as they journey in life hand in hand.
Trackback
RSS Feed

8 Comments
1.
lidie commented on June 05, 2008 at 10:09 am
ang galing, nakuha mo sa isang litrato ang maraming simbolo ng pag-iisang dibdib!
magandang huwebes sa’yo!
2.
Reflexes commented on June 05, 2008 at 11:12 am
kay ganda talaga ng mga simbolong ito sa isang kasalan.
masayang araw ng Huwebes sa iyo.
3.
julie commented on June 05, 2008 at 12:38 pm
Agree ako sa mga isinulat mo
Magandang araw ng Huwebes.
4.
komski kuno commented on June 05, 2008 at 3:47 pm
Tama si lids, ok na litrato:D May narinig akong pari na ang sabi e ung buhol daw dun sa cord ang ating Panginoon:D
5.
Munchkin Mommy commented on June 05, 2008 at 10:16 pm
lagi kong pabirong sinasabi na ang pagaari ng aking asawa ay pagaari ko rin at ang pagaari ko naman ay pagaari ko lang. hee hee hee. biro lang siyempre iyon.
tama ang lahat ng iyong sinabi.
hapi LP!
Sumpaan
Abay
6.
lino commented on June 06, 2008 at 9:36 am
nice shot… pasensya na at ako’y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito… happy LP…
7.
christine commented on June 06, 2008 at 1:14 pm
di talaga kukupas ang ganda ng mga rosas!
8.
Kotsengkuba commented on June 08, 2008 at 6:58 pm
are these from your wedding? one of my greatest dream is to be a wedding photographer. o di ba ang babaw ;-)