LP: Sa Gawing Kanluran

LP: Sa Gawing Kanluran

Ito ang permanenteng nakikita sa gawing kanluran kahit saang bahagi ka man ng mundo. Isa sa pinakamagandang tanawin dulot ng kalikasan at napakapalad ko dahil araw-araw itong nakikita sa ngayon maliban na lamang kung maulap o umuulan. di tulad nung ako ay nakakulong pa sa apat na sulok ng opisina, bahira kong nakikita ang paglubog ng araw. Ito rin ang isa sa pinakapaborito kong gawin simula nung ako ay bata pa ay ang pagmasdan ang araw habang ito ay lumulubog sa gawing Kanluran.

This is what we permanently see in the west anywhere in the world. This is one of the best things nature can offer is the sunset and I am just lucky to see it everyday except if it’s overcast or raining not like when I was still the the rat race, I seldom get to see the sun go down in the horizon. Watching the sun go down in the West is one of my favorite things to do since I was a child because sunsets can be clearly seen from our place back then.

Litratong Pinoy : Pag-aaral

Parating sinsabi ng aking ama noon, “mag-aral ng mabuti.” Hindi ko yun agad naiintindihan bilang isang bata. Para sa akin, ang importante ay papasok sa eskwela para may baon ako. Nung ako ay nagkaisip na, dun ko napagtanto ang importansya ng pag-aaral. Ngunit hindi dun nagtatapos ang lahat, dahil ang importante ay mag-aral ng mabuti. Hindi ganun kadali ang mag-aral lalung-lalo na kung salat sa buhay ngunit sa pagpupursige ng aking mga magulang na mapagtapos ako, mas lalo akong nabigyan ng inspirasyon na makamit ang parangal ng gusto kong maibigay sa kanila. Itong larawan ang aking napili dahil ang pag-aaral ay gaya din ng pagsusulat. Ako ang may hawak ng aking panulat at ako ang may kontrol nito. Kaya kung saan man ako makarating ay dahil na rin sa aking pagpupursige katulong ang mga mahahalagang tao sa aking buhay. 

Daddy always say “study hard”. As a child I didn’t easily understand it because I go to school that time so that I can have some snacks and a penny to buy what I want. Not until I reach a certain age and realized the importance of education in one’s life. It’s not only to study but to study hard…and harder. It’s not easy going to school especially if the resources are not enough or just fairly enough. But my parents worked hard to send me to school and finish a degree which really gave me the inspiration to study hard and aim for something that they will be proud of.

I chose the photo for this week’s theme because studying is like holding a pen. I am in full control of that writing medium to go on or give up. Hence, my success is based on how hard I worked for my studies with the help of my family.

Litratong Pinoy: Itay

Ang napili kong ilahok ay ang aming lalagyan ng tinapay sa simbahan. Dito inilalagay ang tinapay na sumisimbolo sa laman ni Jesus na syang ulo ng ating pananampalataya. Sya ay isang AMA na nagpakamatay para mailigtas ang sangkatauhan sa mga kasalanan dahil sa kanyang walang humpay na pag-ibig sa atin.

This is where we put the unleavened bread we take during Lord’s Supper. The bread that symbolizes the body of Jesus Christ we considered as Father. He loved us unconditionally that HE gave His life to die on the cross so that we will be saved from our sins.

LP: Pag-Iisang Dibdib

 

 

Ito ay ilan lamang sa mga simbolo ng pag-iisang dibdib. Ang aras na nagsisimbolo ng pinansyal na aspeto sa buhay mag-asawa na kung saan magkatuwang na itataguyod ng mag-asawa ang kanilang buhay sakaling di kayang pasanin ng lalake ang responsibilidad at huwag hayaang ito ang sanhi ng malaking di pagkakaunawaan. Sa puntong ito, ang pag-aari ng isa ay pag-aari ng mag-asawa. Ang kord na sumisimbolo ng “tali” na nagbubuklod sa mag-asawa. Sa buhay mag-asawa ito ay dapat mapanatiling di masyadong maluwag at di naman masikip na nakakasakal na sa isa’t-isa. Para sa akin, ito ang magpapanatili para sa iisang direksyon na tatahakin ng mag-asawa sa kanilang buhay.

These are few of the symbols in marriage. The coins symbolizes the financial aspect of married life wherein both should help each other in addressing the financial needs of the family if the husband cannot bear the responsibility alone. It should not be the reason of a big dispute between couple. In marriage, one’s property is also the property of the other. There’s no MINE alone in marriage. The cord symbolizes the the tie that binds the couple. It should not be too loose nor too tight. It also symbolizes one direction of the couple as they journey in life hand in hand.

Litratong Pinoy: Ihip ng Hangin

Hindi ba’t masarap tumalon at lumutang sa hangin kapag nasa ganitong lugar tayo? Ang sarap ng ihip ng hangin. Preskong-presko. Napagkatuwaan naming kunan ng litrato ang aming pagtalon. Ngunit sa kasamaang palad, hindi sabay-sabay ang aming paglipad sa ere kaya heto ang resulta. Nakailang beses na rin naming inulit ang pagtalon ngunit talagang d kami nagkakasabay.

   

 

December 2008
S M T W T F S
« Nov    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Archives

Recent Posts

Recent Comments

Top Commenters

  1. Julie (110)
  2. arlene (24)
  3. SandyCarlson (20)
  4. jaejae (19)
  5. babooshka (11)
  6. Louise (10)
  7. carol (9)
  8. Dianne (9)
  9. Misty Dawn (9)
  10. rhoen (8)

Most Viewed

Meta